Kung ikaw ang hacker, tatanggapin mo ba yung reward or lie low lang muna since may possibility na bluff lang yung offer ni Sun since pwede naman nya ipahuli nalang sa pulis yung hacker withotu announcing na nakuha na nya yung info ng hacker?
Yung mga ganitong agreement ba possible sa legal terms? In a way na hindi ito magiging trap lang para mahuli yung hacker? Kasi kung ako ang hacker if hindi ako sure na malinis yung pagkakahack ko or may naiwan akong bakas, baka kagatin kona yung offer. Kasi kung ikaw naman yung gagawa ng ganyang bagay alam mo sa sarili mo if 100% kang sure sa ginawa mo if tama ba or may mali. Pero honestly yung offer okay nadin kaysa makulong. Kaso nga lang baka sangkot pa itong hacker na ito sa iba pang kaso na magiging way para makulong siya.
Kung para sating mga normal na tao eh kahina hinala talaga ang motibo considering na sinasabi nilang kilala na sya bilang hacker and also giving 10 million dollars?(dollars nga ba yang offer, napakalaking pera na nyan kung tunay) pero kung tunay na kilala na sya eh ano pang dahilan nya para hindi makipag kasundo? ang problema na lang eh kung trap lang to na pinapaamin lang sya para mas madaling maipakulong.
pero nangyari na ang mga hackers ay na operan ng magandang bagay kahit na nakagawa na sila ng ganitong krimen , tulad na din nung mga Virus creator noon na pagkakaalam ko na bigyan pa ng pabor, and yong naka hack sa Pentagon noon na Pinoy kundi ako nagkakamali eh nasa US Government na nag wowork.
Negosasyon yan na madalas ginagawa sa legal na paraan. Magbibigay sila ng negosasyon para hindi na mapahaba ang usapan at mapataas pa ang sentensya ng kaso. Binigyan niya ng pagkakataon na ibalik ang perang hinack at bibigyan pa siya ng kapalit na pera kaysa direktang ipahuli ang hacker at wala siyang makukuhang pera, makukulong pa siya.