Yes guys isang milyong dolyar iyan ang dapat mong bayaran para maging citizen ka ng el salvador,
sinasabi nila na ito ay isang investment, wala naman inilagay kung anu ang mga prebelihiyo neto, isa sa partner din ng Elsalvador sa project na ito ay tether,
kung ikaw ang tatanungin magiinvest kaba ng isang milyong dolyar in bitcoin para mging citizen nila? good investment ba ito or isang malaking risk?
pakilagay ang inyong mga dahilan.
Sa tingin ko isang gastos lang ito lalo na sa mga simpleng mamamayan lamang, para sa mga mayayaman lang ang ganitong URI ng investment. Sa tingin ko sa ngayon isa itong risks consider na wala pa namang pagkakakilanlan sa ROI mo rito. Mas gugustuhin ko pa atang bumili nalang ng bitcoin o iba pang mga cryptocurrencies.
Imagine mo, gagastos ka ng mahigit p55 million pesos ($1 million) para lang maging citizen ng El Salvador even if alam naman natin na sila ang kauna-unahang bansang tumatanggap ng BTC as legal tender. Even if ito yung benefits na cineclaim nila, I do not think na worth it ito sa ganitong halaga.
Imagine mo rin na sa p55 million pesos, makakabili ka ng mahigit 20+ BTCs which can be used as investment for short/long-term. I really do not think na worth it ito sa kahit anong angle mo tignan given din na padami ng padami na ang mga bansang tumatanggap ng cryptocurrencies as payment for their products.
Curious ako- may tao na kayang gumawa nito and naging citizenship ang El Salvador? Dito kasi sa Pilipinas, sa pag kakaalam ko, bawal ang dual citizenship; though may option ka lagi na ma-reacquire ang Philippine Citizenship mo thru RA 9225.