Nakita ko lng ito sa global bitcoin discussion
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5478485.0;topicsee na gawa ni @mikeywith at naisip ko na ishare dito lalo na ngayong sobrang taas ng fee.
Baka lang meron pa dn dito or may kakilala kayo na hindi alam kung pano talaga ang mechanism ng pag confirmed ng transaction. Makakatulong ito upang makatipid sa fee and at the same time ay makabawas sa spam high transaction fee na nakaka hila pataas sa average fee.
Simple lang naman ang laman ng thread, Huwag kayo mag RBF ng short time period hanggang walang nacoconfirm na block dahil useless lang yung pagdagdag ng fee while yung previous fee nyo ay above average kung wala pa naman block na nacoconfirm simula ng ginawa nyo yung transaction.
Naranasan ko naman ang pag gamit ng increase fee sa Electrum pero nasa halagang 60sats lang yun, never ko pa naman naranasan yung gumamit ako ng transaction fee ng nasa 200 sats. Yung pinakamataas na fee lang ginawa ko ay nasa around 155 sats lang pero masama na loob ko nyan at labag sa loob ko talaga kung hindi lang kailangan na kailangan ay hindi ko gagawin sa totoo lang.
Kasi ang sa akin kapag hinayaan natin na pumayag tayo ng high fee sa transaction let say around 40$ edi lumalabas nyan ay pinagbibigyan natin yung pang-aabuso ng mga miners sa pagpayag sa gusto nilang mangyari, ito yung nasa isip ko.