Nakakainggit yung ibang Local boards, dami nilang active na mga members at dun din yung iba halos nakakakuha ng madaming merits since nagtutulungan sila dun sa mga boards na yun. Dito nalang din siguro ako magpamigay ng merits sa pasko, quote niyo lang to tapos lapag lang kayo ng 1 link ng post niyo, di ko sure kung FCFS gagawin ko o judging sa quality since di naman ganun kadami yung merits ko. Gusto ko lang din makatulong sa mga members na need yung merit at siyempre para na din makatulong maging active ulit itong Local ng Pilipinas. Maligayang Pasko sa inyong lahat mga kabayan.
Kung pareho lang sana kagaya din sana ng ibang local board na nagtutulungan for sure magiging active tong local board natin kaso nga lang halos walang merit talaga ang ang nakukuha dito kaya kadalasan yung ibang kababayan natin ay dun na sa global board nag eeffort since dun sila mas nakakakuha ng merit.
Kung marami lang siguro sana ang mapagbigay na kababayan natin malamang mahahatak natin yung mga iba nating kababayan na mag post dito sa local at lalo na mag share ng kanilang kaalaman satin.
Sa ngayon inactive ang thread nato dahil wala masyado nag bibigay ng merit pero kung share share ang lahat for sure magiging mas aktibo tayo dito pero kadalasan talag yung iba post lang dito pero di naman nag contribute kaya wala din talaga.
Yun nga eh, nakakalungkot lang na hindi ganun kaaktibo yung Pilipinas tulad ng dati, marahil na din siguro dahil sa kakaunti lang din yung mapaguusapan na crypto issue sa Pilipinas kaya medyo alangan din tapos karamihan din kasi ng Local post requirements sa mga signature campaigns ay limitado lang sa 5 so hindi talaga encouraged na magpost kahit nga din sa pagsali pa lang sa Signature campaign, di naman tinitignan kung active ka sa Local Board kaya ayun wala gaanong nagpopost din, siguro kung hindi puro pera ang usapan pagdating sa ganitong usapin baka may ibang magandang mangyayari.