Hindi ko pa naman nagagawa yang overpay sa transaction fee, matiyaga naghihintay lang din talaga ako na bumaba, may target ako na amout kung magkano kaya hintay hintay lang talaga. Yung iba naman kung afford nila yung ganun kataas na transact fee di mo rin masisisi dahil may budget sila at afford nila yung mag ooverpay sila.
Karamihan kasi sa atin nagmamadali na maconfirm yung transactions kaya kahit wala pang naconfirmed na block, tinataasan na nila yung fees at gumagamit na agad agad ng RBF. Pero para sa mga ayaw ng hassle, mas mataas na fee nalang ang ginagawa para lang walang problema na madelay ang transactions kaya nagbabayad nalang din mas mataas sa fees. Ganyan ginagawa ko para lang hindi matagalan sa pag confirm lalo na ngayon na mas need ng pera ng tao kaya mapa RBF man o higher tx fees, ginagawa nalang para hindi mainip sa kakahintay dahil dynamic din naman ang fees at puwedeng bumaba din bigla o di naman kaya tumaas kaya tayo nalang naga-adjust. Kung afford mo naman magbayad ng medyo mataas konti, nasa sa iyo naman na din yun.