Nakita ko lng ito sa global bitcoin discussion
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5478485.0;topicsee na gawa ni @mikeywith at naisip ko na ishare dito lalo na ngayong sobrang taas ng fee.
Baka lang meron pa dn dito or may kakilala kayo na hindi alam kung pano talaga ang mechanism ng pag confirmed ng transaction. Makakatulong ito upang makatipid sa fee and at the same time ay makabawas sa spam high transaction fee na nakaka hila pataas sa average fee.
Simple lang naman ang laman ng thread, Huwag kayo mag RBF ng short time period hanggang walang nacoconfirm na block dahil useless lang yung pagdagdag ng fee while yung previous fee nyo ay above average kung wala pa naman block na nacoconfirm simula ng ginawa nyo yung transaction.
Hanggang ngayon ay medjo ay kataasan pa rin ang fees naten sa mempool at nahihirapan din ako magtransact dapat gagawa ako ng 20$ transaction para lang hatiin ang sahod ko pero parang hindi na worth it dahil nasa almost 10$ na ang fees so parang kalahati na agad ang nabawas kapag gumawa ako ng transaction, Isa na talaga ito sa mga problema ng Bitcoin ngayon for sure in the future naman possible magkaroon ng upgrade para masolve ang problema na ito sa transactions pero di ko lang alam kung paano ito mangyayari since pagkakaalam ko masyadong maraming process lalo na at community or decentralized at Bitcoin.
For now wala talaga tayong magagawa sa probelmang ito kahit ako ang pinakaamagandang gawin talaga ay maghintay na lang muna dahil babalik din naman ang presyo ng fees soon kapag hindi na congested ang network pero mukang matagaltagal na ito dahil na rin patuloy ang pagtaas ng presyo ng Bitcoin from 20k$ hanggang ngayon nasa around 40k$ na siya.