Curious lang ako kabayan kung ano yung silbi or purpose nito tapos ano yung mga benefits kapag mag-run ka ng node? Napansin ko lang din na ang laki ng storage space na kailangan niya, ano yung dahilan para dito? Nakakamangha lang na napakaprecise tapos on poin yung tutorial mo, kung may PC lang siguro ako baka matagal ko ng sinubukan yung mga ganyan at nag-aral na din siguro ako paano mag-code, mukhang masaya gawin yan eh.
Sa nalaman ko, ang pagpapatakbo daw ng node ay isang way ng paghelp sa blockchain decentralized network. Kapag nagru-run ka ng node, nagiging part ng process ng pag-verify ng transaction at pagmimaintain ng blockchain integity. Hindi ko pa alam ang ibang benefits nito sa end ng supporter pero ang isa na dyan ay ang incentive sa rewards gaya ng airdrop.
Ang malaking storage space na kinakailangan ay dahil sa kailangang i-store ng node ang buong history ng blockchain transactio. Ito ay isang essential na bahagi ng pagiging reliable ng network.