Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Tataas Kaya Ang Awareness Ng MgaTao Sa Bitcoin Kung May Mga Billboard
by
abel1337
on 18/01/2024, 09:38:45 UTC

Ang tanung sino kayang kauna-unahang mayamang pinoy ang gagawa ng boluntaryong magpapabilboard ng Bitcoin sa along EDSA o kaya sa South and North expressway for awareness na pinag-uusapan dito? Dahil tulad nga ng sabi ng iba sobrang mahal magpabillboard.

Meron pa kayang gagawa nyan ng libre na walang mapapala yung magpapabilboard? tanung ko lang naman ito, karamihan kasi ng mga mayayaman na involved sa cryptocurrency o Bitcoin hindi naman ginagawa yan partikular dun sa mga nagcacaravan na mga crypto community dito sa bansa natin.

Not sure pero kadalasan lang naman na nagpapabillboard ay iyong mga business owners or influencers na gumagastos ng malaki at iv-vlog para mabawi yung perang nagastos nila, napaisip tuloy ako kung pwede ba yung ganon? Kagaya kay Xian Gaza before, nakakapag pabillboard dahil may pera tapos cinocontent, for the clout chase lang, so baka pwede natin syang gawing sponsor, joke. Kidding aside! malay natin ay may iilang mayayaman ang interesadong magbigay ng pondo pero usually more on online advertisements ko na kasi nakikita all crypto/investment related things
Sa tingin ko kabayan may posibilidad na mangyari yan kung saan ay may isang popular individual na magpopromote ng Bitcoin using billboard though wala pa tayong nakikita sa ngayon pero sure yan in the future. Pero since ang billboard ay only accessible sa iisang area lang like in the heart of a city I think vlogging or social media promotion ay ang pinakadabest na way of advertising since naaabot nito ang kasulok-sulokan ng Pilipinas through mobile devices and or television ads.

Narito ang iilan sa mga vlogs na nakikita ko sa YouTube na pinag-uusapan yung pagamit ng Bitcoin as payment sa may Boracay. Nakakatuwa lang na dumadami na ang mga dayuhan na tumatangkilik sa pagbayad gamit ang Bitcoin dito sa ating bansa specially sa Boracay.

https://youtu.be/n5sDNRuUiWg?si=d7OhxHy3601MvY-t
https://youtu.be/ftHLO9gaUb4?si=fIR-Ss39nxs60Wro
It's known na effective ang billboard for promotion. Not only in crypto pero sa lahat ng bagay lalo na sa gusto mag papansin. Billboard + Social media is proven effective dito sa crypto space at sa mga nag coclout chase like the example, Xian Gaza. Maraming nag pa billboard last bull market tungkol sa cryptocurrency. If active ka sa NFT trend last bull market is sobrang dami nag papabillboard ng NFT's nila, iba iba yung purpose pero ang alam most common purpose na napansin ko is for whitelisting. Meron din akong nakitang Gamefi projects na nag pa billboard last bull market, mostly before sila mag release ng game nila and of course for promoting it on social media.

If gagawin siguro yung billboard promotion for bitcoin, I think it's better to combine billboard + social media since it will be new for us pinoy to promote bitcoin solely. People will be struck by curiosity pag nakita nila yung billboard or social media post of a billboard about bitcoin.