Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
care2yak
on 10/02/2024, 09:01:35 UTC
Maaring tama ka @care2yak... pero assumption lang din yang sinasabi kung sino man ang abugado.

Ang SEC issuance ay galing sa agency ng Pilipinas, government yan, kaya maaring ma implement yan kung gustohin nila. Maaring mahaba pa ang proseso na ito patungkol sa pag block ng Binance sa kanilang website. Sa sinasabi mong kailangan ng court order at maghaharap ang Binance at Government, sino kaya ang papayagan? Ano naman ang laban ng Binance kung sila mismo walang business registration dito sa Pilipinas, or wala man lang assurance na kukuha sila at mag cocomply para maayos.

Nakikita naman natin ang habol ng SEC dito, magregister sila para kumita ang bansa natin through taxes, pero hindi nila ginawa yan. Kung na penalize sila mismo sa US na mayroon silang license to operation doon sa pagkakaalam ko, dito sa Pilipinas hindi sila ma penalize, kasi hindi sila regulated ng agency natin, kaya ang option ay i block nalang para mapilitan silang kumuha ng license.

Basta ang alam ko, dapat "prevention" lang gawin natin kahit optimistic tayo na hindi ma bablock ang Binance, kaya ready lang anytime dapat.


I agree, assumption sya pero backed by legal basis kaya naishare ko yung post sa BitPinas. Marami na kasi ang involved sa crypto and crypto trading -- kasama na jan ang samu't saring mga propesyon including accountants, doctors, politicians, and lawyers mapa private mam or gov't employed. And I'm sure na Binance na yung pinaka convenient para sa atin. True na ang SEC ay gov't institution pero may sinusunod pa rin tayong constitution, mga legal codes and ang kagandahan dito sa atin dahil tayo ay isang democrasya, may due process. Kaya naniniwala akong hindi yan basta basta maipapatupad unless bigla tayong maging tulad ng china na communist country. Pag sinabing block, blocked.