Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paparating na ang bull run na kumita kana ba?
by
aioc
on 11/02/2024, 16:30:29 UTC
Ngayong paparating na ang bullish season malamang marami na naman ang kumita ng malaki dahil sa kanya-kanya nating side hustle.

Kaya sa mga kikita o papaldo ngayon mainam na maging maingat sa kanilang kinita dahil madami akong nakitang pumaldo pero naubos lang din ang yaman na kinita nila.

Kaya sa ngayong paparating na bull run at kung kumita man kayo mas mainam maging matalino sa ating investment at wag ibuhos lahat sa bitcoin or crypto at humanap ng ibang side hustle like investment offline para kung yung dating nagbibigay ng income sayo ay nawala na ay mayron ka paring pagkakakitaan at hindi maging broke gaya ng iba nating kababayan na kumita at naubos lang din ng walang nakita sa pinagpaguran nila.

kumita na ako pero hindi naman yung sobrang laki sapat lang naiwithdraw yung 1/4 ng investment at yung natira ay pang HODL kasi naniniwala ako na papunta pa lamang tayo sa exciting part at mangyayari yun pagkatapos ng halving kaya mas maganda mag tuloy tuloy lang ang pag HODL natin, sana man lang sumabay din yung ibang mga token sa pag angat ng Bitcoin.
At tama ka naman dyan kabayan na need pa rin natin ng ibang pagkakakitaan kasi sa experience ko mas matagal ang bear market kaysa sa bull market kaya kung kumita tayo sa Cryptocurrency magimpok tayo a fiat o kaya ilaan natin sa negosyo kahit isang maliit na tindahan lang para may masabi na may katas tayo sa investment natin sa Cryptocurrency.