Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Marvin Favis na scam?
by
bhadz
on 11/02/2024, 17:58:21 UTC
Di naman talaga yan expert kundi influencer lang. Noong narinig ko interview niyan na sinabi niya na may 100% winning rate daw at para lang daw yan talaga sa kakilala niya, tingin ko yan yun. Na-scam sila at alam naman natin na kapag trading ay walang 100% kaya mas mainam pang magsarili ka nalang maghold ng sarili mong holdings at wala kang maagrabyado. Mahirap magtiwala sa mga ganyan tapos yang mga kasama niya ay mga viewers lang niya din na nahikayat maginvest. Posible nga na baka siya din may pakana niyan tapos nagplay victim lang siya, hindi natin alam kung ano at paano ba talaga pinaggagawa ng mga yan. Mas malaki kasi kitaan nila sa panggogoyo ng kapwa kaya huwag masyado maengganyo sa mga pasosyal at mga figures na pinagsasabi ng mga yan.

Medjo sikat nga na influencer itong si Marvin nakikita kita ko din naman siya sa Facebook pero di ko lang sure if marunong or magaling talaga siya na magtrade ng cytpocurrenyc pero kung ganyan pala ang mga sinasabe niya nangangapagtaka naman for sure alam naman niyang walang 100%, Isa pa sa pinagtataka ko dito at lagi ko naman itong sinasabe sa mga traders na gusto rin magtrade ay huwag na huwag kang magtitiwala sa tao for example magiinvest ka sa kanila para sila ang magtrade para sayo, ang lagi ko talagang sinasabe sa kanila ikaw mismo ang magaral ng trading at kapag marunong kana ikaw mag magtrade ng sarili mo para na rin maiwasan ang mga ganitong cases.
Tingin ko baka di naman talaga siya trader at kaya nga naging kilala siya sa bansag na hulalysis. Early investor siya base sa sinabi niya kumbaga katulad nating nandito, holder tapos parang nag influence influence tapos nagpakilalang trader, etc. Yan kasi hirap sa mga kababayan natin, pakitaan mo lang na may malaki kang pera ang akala nila mahusay ka na talaga sa iba-brand mo sa sarili mo tulad ng isang trader.

Ang pinagtataka ko lang talaga kung marunong naman pala sila magtrade ay bakit pa sila magpapatrade sa iba at magiinvest sila sa isang tao na mahusay magtrade, I mean andun na tayo sa sinasabe nila na mahusay nga daw magtrade itong si John Erwin pero kahit naman ganun aware naman siguro sila na kahit gaano ka pa kagaling sa trading ay hinding hindi mo mapepredict ng accurate ang galaw ng market dahil sobrang daming factors parin talaga ang nakakaapekto sa paggalaw niya so may mga time talaga na matatalo ang trade mo.
Mahirap talaga magtiwala sa ibang tao kapag sa investments. Nadale na ako niyan at kamag anak ko pa, pero hindi naman sa scam at crypto. Kumbaga pumalpak yung negosyo na naging kasosyo kami. Parang ganyan lang din diyan, bumakas kaso talo ang nangyari.

Tulad din ng sinabe nila nagtransfer rin daw sa tradisyonal business si John Erwin which is yun ang ayaw nila dahil naginvest sila para sa trading, siguro napressure na rin itong si John Erwin kahit na totoong magaling talaga siya magtrade lalo na at sobrang taas ng return na pinangako niya sa mga investors niya, ang mali niya talaga dito masyado siyang nafocus siguro na kumuha ng investors hindi niya inisip ang long term, kung iisipin mo 30% per month return dba parang imposible na yun in the first place siguro lang talaga kung palagi kang panalo sa trades mo, pero at some point matatalo rin yan for sure, baka nga masmadami pa yung talo pero sa panalo pero nababawi lang. Kaya ang mangyayari talaga pyramid scheme pinapaikot lang ang pera then kawawa ang huling papasok.
Sa return na ganyang pangako, red flag na agad yan. Kaso nga nandiyan si Marvin at yung mga followers niya tiwala lang din sa kaniya. Parang yung mga artista na may mga investments na pinagkatiwalaan din ng mga tao dahil nga may pangalan ang kaso, nadale din silang lahat ng mga manggogoyo.