Ngayong paparating na ang bullish season malamang marami na naman ang kumita ng malaki dahil sa kanya-kanya nating side hustle.
Kaya sa mga kikita o papaldo ngayon mainam na maging maingat sa kanilang kinita dahil madami akong nakitang pumaldo pero naubos lang din ang yaman na kinita nila.
Kaya sa ngayong paparating na bull run at kung kumita man kayo mas mainam maging matalino sa ating investment at wag ibuhos lahat sa bitcoin or crypto at humanap ng ibang side hustle like investment offline para kung yung dating nagbibigay ng income sayo ay nawala na ay mayron ka paring pagkakakitaan at hindi maging broke gaya ng iba nating kababayan na kumita at naubos lang din ng walang nakita sa pinagpaguran nila.
- Ito ang unang pagkakataon na makakaranas ako ng bull run sa crypto business na ito sa totoo lang, at siyempre naeexcite din ako dahil nageexpect din naman ako sa mga crypto assets na nakahold sa akin. At the same time kahit hanggang ngayon ay nagsasagawa parin ako ng dca sa mga ito at maging sa mga iba pang mga crypto na sa tingin ko ay makakapagbigay ng profit sa akin pagdating sa mismong araw ng bull run.
Hindi man lahat ng mga hawak ko na crypto ay makapagbigay ng malalaking profit, pero sigurado naman akong lahat ng hawak ko ay makakapagbigay ng profit. Target ko kasi ay once na mahit ko yung goal ko sa mga hawak ko na ito ay magexit na ako agad kahit pa na magpatuloy yung price nito sa merkado. Dahil that means makukuha ko na yung main target ko na house and lot dream ko at business na gusto ko din.