Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Marvin Favis na scam?
by
serjent05
on 11/02/2024, 20:09:11 UTC

Di naman talaga yan expert kundi influencer lang. Noong narinig ko interview niyan na sinabi niya na may 100% winning rate daw at para lang daw yan talaga sa kakilala niya, tingin ko yan yun. Na-scam sila at alam naman natin na kapag trading ay walang 100% kaya mas mainam pang magsarili ka nalang maghold ng sarili mong holdings at wala kang maagrabyado. Mahirap magtiwala sa mga ganyan tapos yang mga kasama niya ay mga viewers lang niya din na nahikayat maginvest. Posible nga na baka siya din may pakana niyan tapos nagplay victim lang siya, hindi natin alam kung ano at paano ba talaga pinaggagawa ng mga yan. Mas malaki kasi kitaan nila sa panggogoyo ng kapwa kaya huwag masyado maengganyo sa mga pasosyal at mga figures na pinagsasabi ng mga yan.

Sa palagay ko kaya nya sinasabi iyan ay dahil para maenganyo ang mga taong mag-invest sa kanila or para makuha ang paghanga ng mga tao at later on ang tiwala at simpatya.  Sa pagkakasabi pa lang niyang 100% winning rate alam na agad natin kung nagsisinungaling siya o hindi.  Di ko talaga maalis sa isip ko na isa siya sa naging dahilan kung bakit maraming na scam dahil nga tulad ng sinabi nung isang kasama nya, follower siya ni Marvin kaya napainvest din siya nung napanood niya iyong scammer dun sa channel nung Marvin.


Quote
Ang pinagtataka ko lang talaga kung marunong naman pala sila magtrade ay bakit pa sila magpapatrade sa iba at magiinvest sila sa isang tao na mahusay magtrade, I mean andun na tayo sa sinasabe nila na mahusay nga daw magtrade itong si John Erwin pero kahit naman ganun aware naman siguro sila na kahit gaano ka pa kagaling sa trading ay hinding hindi mo mapepredict ng accurate ang galaw ng market dahil sobrang daming factors parin talaga ang nakakaapekto sa paggalaw niya so may mga time talaga na matatalo ang trade mo.

Tama, sa tingin ko naghuhugas kamay lang talaga iton si Marvi Favis, hindi katwiran na busy siya kaya sumakay na lang siya sa trading nung John Erwin, maaring me tinatagong pinag-usapan itong is Marvin Favis.  Imposibleng hindi nya alam ang pakay nung tao, baka nga nabayaran pa siya ng malaki nito at iyong sinisingil nyang ininvest nya daw ay maaring galing lang din dun sa ibinayad sa kanya at pinaikot nya lang hanggang lumaki ng ganun kalaking halaga plus posible rin na may commission siya sa mga taong naenganyo ng kanyang youtube channel.  At since alam nyang sasabit siya, kaya inunahan na nyang ireklamo si John Erwin para mawala sa kanya ang focus ng mga naimpluwensiyahan ng channel nya at hindi siya ireklamo.