Ang pinagtataka ko lang talaga kung marunong naman pala sila magtrade ay bakit pa sila magpapatrade sa iba at magiinvest sila sa isang tao na mahusay magtrade, I mean andun na tayo sa sinasabe nila na mahusay nga daw magtrade itong si John Erwin pero kahit naman ganun aware naman siguro sila na kahit gaano ka pa kagaling sa trading ay hinding hindi mo mapepredict ng accurate ang galaw ng market dahil sobrang daming factors parin talaga ang nakakaapekto sa paggalaw niya so may mga time talaga na matatalo ang trade mo.
Sa totoo lang medyo napaisip din ako sa bagay na ito, dahil kung alam ko sa sarili ko na kaya kung kumita ng malaki sa trading at alam kung mas angat ang aking nalalaman sa taong nagpaturo sa akin ay bakit ko pa ipagkakatiwala sa tinuruan ko yung malaking capital ko sa kanya kung kaya ko namang palaguin ito ng higit pa sa kanyang ginagawa.
Kumbaga, pwede ba na ang estudyante ay mas magaling pa sa teacher? siguro ang sagot dito ay depende kung mataas talaga yung IQ ng student, pero 1 in a million blue ang ganitong sitwasyon. Saka kung ako yung student ay bakit pa ako magtitiyaga sa teacher na alam kung mas angat yung nalalaman ko sayo? diba? Ang ibig bang sabhin nito inaamin ni Favis na mas magaling pa sa kanya yung tinuruan nya? At kung ganun nga yun na mas magaling pa ito sa kanya, ano ang naituro nya kay John Erwin sa trading na mas nahigitan pa yung nalalaman nito kesa sa kanya(Favis)? see the logic? Sa madaling sabi din, obviously nagsisisnungaling ngang talaga itong si Favis sa mga sinasabi nya.