•Sa tingin mo ba ay tama ang nagiging desisyon mo sa iyong napili na trabaho o investments or napipilitan ka lang for some reason?
Tutal nasagot ko naman na ito sa kabila, dito nalang ako magfocus tungkol sa investments. Tamang tama talaga ang choice na Bitcoin para sa akin. Dati rati, masakit sa puso kapag biglang bagsak yung presyo. Pero mabuti nalang at madaming nagpapayo tungkol sa pagiging patient at paghohold at naging sulit talaga ito kapag iba kang pagkakabusyhan. At hindi lang yan, bukod sa Bitcoin, magkakaroon tayo ng ideya na dapat ay mag diversify tayo sa ibang assets at investments at hindi lang puro crypto. Wala namang problema kung pure bitcoin o crypto ang assets mo pero magbubukas din ang isipin natin para sa ibang mga worth it na investments tulad ng real estate, stocks, etc.