•Kung may iba kang pinagkakaabalahan kaya mo naman pagsabayin?
Pinag sasabay ko ngayon ang pagiging airdrop hunter and pagpre-freelance sa web design at nakakaya ko naman ito. Tulad mo nagagawa ko pa rin masingit ang signature quota though mukhang mas onti naman ang quota namin kumpara sa campaign mo ngayon.
•Sapat ba para sayo at sa pamilya mo ang kitaan mo sa mga pinagkakaabalahan mo?
Actually, hindi pa ito sapat lalo na wala pa akong gaanong kinikita sa pag aairdrop hunting at minsan hindi rin kalakihan ang bayad sakin sa web design since nasa entry level pa rin ako pero lalaki rin naman ang kikitain ko dito once na dumami ang experience ko.
•Future proof na ba ang iyong income at napundar mula sa iyong source of income? Or may balak kapa na magdiversify into the future proof assets?
Obviously ay hindi pa ito sapat para masecure ang future ko. At dahil bata pa ko at nag uumpisa pa lang din ng career, malawak pa ang pwede kong matutunan at mas maraming opportunity if mag diversify ako at makahanap ng iba pang source of income.
•Sa tingin mo ba ay tama ang nagiging desisyon mo sa iyong napili na trabaho o investments or napipilitan ka lang for some reason?
Para sakin tama naman ako sa aking desisyon pagdating sa ginagawa ko na trabaho na web design, at masaya naman ako dito dahil nakakacreate ako ng mga web design na nagagamit sa mga projects.