Na curious lang ako kung gaano kahabang winning streak na ang na experience nyo sa gambling. Ang tinutukoy ko dito ay yung araw na panalo ka in general at hindi yung bet winning streak.
Sa akin kasi ay halos 1 week na puro panalo araw2 na hindi baba sa 10Kphp each day. Pero tumigil na ako sa gambling after 1 week na walang talo since natakot ako na baka matalo ko lahat ng panalo ko sa isang pagkakamali ko lng once matilted ako habang naglalaro. Hanggang ngayon ay hindi pa dn ako nakakalaro gamit ang aking bankroll at puro mga bonuses lang ang ginagamit ko sa paglalaro gamit yung mga rakeback na ncollect ko dati.
Share your experience guys.
Salungat ang karanasan mo sa nararanasan ko sa tuwing nagsusugal ako. Mas lamang lagi ang talo sa akin kasi ako yung tipo ng nagsusugal na hindi talaga swerte. Kumbaga ay nagiging libangan ko nalang ang pagsusugal sa ngayon kung may kasama ako na mga kaibigan dahil nga lagi naman akong natatalo.
Sa sitwasyon mo, napakalaki ng naipapanalo mo sa araw araw, ganyan yung sitwasyon na nakakatakot para sa akin dahil hindi mo alam kung kailan babawi ang swerte mo sayo.