Mukhang tahimik nga ang Binance ngayon baka plano pa yata nila bulagain tayo sa result ng issue nila sa legitimacy dito sa ating bansa. Ang SEC naman todo hataw sa pag-implement ng strict regulation which is okay din naman yun dahil unregistered nga naman talaga yung mga tinutukoy nilang exchange kaso tayo yung ipit. Wala na talaga tayong magagawa kundi tanggapin na lang ang katotohanan na tuluyan ng mawala ang Binance maliban nalang sa mga gagamit ng VPN.
Sinabi mo pa kabayan, tayong mga end users ang ipit kasi nga nakasanayan natin ang binance at alam naman nating lahat yung convenient na nakukuha natin sa pag gamit sa service nila kaya lang karapatan din ng gobyerno natin na implement ang batas at mukhang walang plano ang binance na makipagusap or magcomply sa gusto ng gobyerno natin, sadyang kailangan nating maghanap ng mga pwedeng magamit na magagamay din natin kung sakali.
Sa paggamit naman ng VPN medyo lakasan din ng loob kasi may risk din kung biglang ma freeze or masuspende yung account mo nganga yung available balance mo sa binance pag nagkataon.