Hintayin nalang natin, basta basic principle ng taxation, na kung kumikita ka, need mong magbayad ng tax. Medyo complicated pa rin kasi itong crypto since di nila alam na saan galing ang funds natin, unlike sa online seller na yung mga bumibili ay nasa saraling bansa lang din, mas madali lang nilang i regulate yan. Actually, matagal na yan plano nila since matagal na sikat ang online shopping or online store, pero now lang nila na implement, kaya sure sa crypto matagal tagal pa yan.
Agree ako dito, maraming source of income sa crypto na hindi nila alam kung saan nagmumula at matagal na pag-aaral ang kailangan para makuha nila ang mga data. Isa pa, walang paraan para malaman nila kung galing ba sa crypto yung funds mo sa ngayon, at isa yun sa malaking tanong kung paano nila ipapatupad pagdating sa crypto.
Kaya nga magiging mahirap ito para sa kanila, dito pa lang sa data accummulation malaking trabaho na ito at hindi lahat ay kaya nila i trace lalo na yung peer to peer ang transaction ang lawak kasi ng gamit ng Cryptocurrency mas madali ito sa mga online merchants kasi may mga platform sila kaya malalaman an gmga laki ng mga transactions pero itong sa Mga Cryptocurrency sa mga trading platform lang kasi wala naman sila malalaking online merchant platform, sa tingin ko ang government at need muna ng regulatory framework bago nila malagyan ng tax ang mga Crypto users.
At sa tingin ko malayo pa ito kasi kung titingnan mo mga Pulitiko ngayun wala nagsasalita ng open sa Cryptocurrency.