Ano ang karaniwan nyong ginagawa sa ganitong sitwasyon?
Sa totoo lang napakasakit ang ganito ang hirap maka move on yung Doge ilang buwan lang ang nakaraan ng mag heavy pump nung maibenta ko at marami rin akong mga ibang tokens lalo na nung panahon ng mga altcoins, at meron din na nag hold ako hoping na mag pupump pero kabaligtaran ang nangyari minsan talaga mapapamura ka na lang talaga, kasi minsan ang hirap basahin ang market at maraming sitwasyon na dahil na rin sa pangagailangan kaya nakakapag benta ka kahit gusto mo pa i hold.
Pero wala talaga akong magawa kundi mag move on yun na lang talaga na tanggapin mo na nangyayari talaga ito at bawi ka na lang next time, kasi may mga sitwasyon naman na kumita ka rin naman.
Sinabi mo pa parekoy, Naalala ko tuloy before nung time na naabutan ko pa na nasa 28 sats ang price value ni Dogecoin nakaipon din ako nito ng 65000 doge. Hinawakan ko pa ito ng ilang buwan at siyempre nung panahon na yun kailangan na kailangan ko rin ng pera wala naman din akonmg choice nung time na yun kundi ibenta ang doge ko though tubo narin naman at nasa 86sats siya nung time na yun.
Tapos meron pa nga akong faucets na natuklasan nun na nagbibigay ng doge every 3 hours around 500 dogecoin sinubukan ko pa nga na itransfer o mawithdraw ito kung totoo at nailipat ko pa nga ito sa Bittrex nung time na yun. Tapos nung time na nagpump ng todo si doge nung mapromote ito ni Elon nakaramdam ako ng panghihinayang din kahit pano, pero tulad ng sinabi mo move on nalang, parang masakit pa sa iniwan ka ng gf mo na minahal mo hahaha.