Siguro karamihan sa atin dito ay naranasan na ang ganitong masaklap na pangyayari. Lalo na kapag nag benta kna ng token holdings mo dahil akala mo babagsak na ang price hanggang sa magpump ng todo hanggang sa hindi kana maka enter ulit. Ang masaklap pa ay kapag na FOMO ka at bumili sa top tapos biglang natapos na ang bullrun.
Personally, kalimitan kong ginagawa sa ganitong sitwasyon ay nag uninstall ako ng mga apps na related sa trading or anything na makikita ko ang current price tapos umaasa lang ako sa forum para kumuha ng balita kung nag correction na ang market dahil laging updated ang mga user dito.
Ano ang karaniwan nyong ginagawa sa ganitong sitwasyon?
Ginagawa ko rin iyan noon. Aalisin ko lahat ng any crypto related applications ko tapos hindi muna ako titingin sa kahit anong website na may crypto. Sa ngayon hindi ko na ginagawa ito. Hindi ko na hinahayaan na ma-FOMO ako dahil iniisip ko nalang na kung mamiss ko ang bull-run ay may next chance pa naman ako.