Oo, masasanay din tayo na wala ang Binance pero sa mga ilang natitirang araw ay umaasa pa din ako na baka may mga pagbabago kasi sabi ng marami kung wala pa daw court order, hindi daw mababan basta basta ang website ng binance.
Hanggat hindi pa dumadating yung mismong araw, wag tayo mawalan ng pag-asa. Possible rin naman i-extend as per SEC sana lang talaga ay may marinig rin tayo galing sa Binance para na rin mabigyan ang users nila dito sa PH ng seguridad na gumagawa sila ng paraan para malutas ang kinahaharap nila dito sa bana.
Simula noong nagkaroon ng advisory, hindi natin alam kung nilalakad ba talaga nila o parang inabandon nalang nila itong market nila sa bansa natin. Hirap kasi walang guidelines o pasabi si Binance tungkol sa advisory ni SEC. Pero hangga't wala pa naman yang araw na yan, antay nalang din kung ano ba talaga ang kalalabasan niyan. Lalo na sa mga maraming fund na nasa binance dahil karamihan sa mga kapwa pinoy natin may mga nakalagay sa earn feature nila. Oo mali dahil hindi hawak ang private key pero alam nila ang risk nila.