Siguro karamihan sa atin dito ay naranasan na ang ganitong masaklap na pangyayari. Lalo na kapag nag benta kna ng token holdings mo dahil akala mo babagsak na ang price hanggang sa magpump ng todo hanggang sa hindi kana maka enter ulit. Ang masaklap pa ay kapag na FOMO ka at bumili sa top tapos biglang natapos na ang bullrun.
Personally, kalimitan kong ginagawa sa ganitong sitwasyon ay nag uninstall ako ng mga apps na related sa trading or anything na makikita ko ang current price tapos umaasa lang ako sa forum para kumuha ng balita kung nag correction na ang market dahil laging updated ang mga user dito.
Ano ang karaniwan nyong ginagawa sa ganitong sitwasyon?
Naiintindihan ko ang sitwasyon mo kabayan, dahil minsan nddin akong nalagay sa ganyang sitwasyon, valid yung nararamdaman mong panghihinayang dahil sa totoo lang, kahit sino naman Talaga ay manghihinayang lalo na kapag nakita mong pumapalo sa mataas na halaga yung presyo ng bitcoin ngayon. First time bang mangyari sa'yo ito or hindi? if first time mo, magiging lesson ito or eye opener para sa susunod na bull run, hindi ka pwedeng magpadala sa FOMO ng ibang tao, dapat alam mo sa sarili mo kung kelan ka nga ba dapat mag buy and sell, hirap din naman mag rely sa opinion ng iba dahil dun madalas natin naeexperience yung FOMO. nung time na nasa ganyan akong sitwasyon, iniwasan ko din talagang mag check maya't maya ng price ni btc para maiwasan ko yung guilt, then same sa ginagawa mo, dito lang din ako sa forum nakikibalita sa galaw ng market.