Ano ang karaniwan nyong ginagawa sa ganitong sitwasyon?
Buntong hininga ang kadalasan kong ginagawa kapag nangyari ang sinasabi mo. Then maghihintay na lang ng mga possible entry points. Magmove on na lang at matuto sa mga pagkakamali dahil wala na rin naman magagawa kapag na miss ang bull run or napabili dahil na FOMO. Sasakit lang ang ulo natin sa kakaisip kaya hayaan na lang at ayusin na lang sa mga next opportunities.
Kaya maganda rin talaga ang magset ng selling at buying price para at least kahit ano man ang mangyari sa hinaharap kung mameet na ang goal natin ay hindi na nakakasama ng loob kung sakaling magrally or magcrash ang market.
Better luck next time na lang talaga, madami pa namang bull run na darating. Sa halip na mag mukmok at e delete ang mga crypto apps, which I think hindi naman nakakatulong, mag invest na lng ulit at mag DCA hanggang makarami at mapaghandaan ang susunod na bull run.
Sa totoo lang, mas maigi talaga na mag set ng target selling price para walang panghihinayang sa huli. Pero kapag nakikita na kasi nating patuloy na tumataas and presyo, nagiging greedy din kasi tayo at kung maaari makapagbenta sa pinakamataas na presyo. Hanggang di na natin namamalayan bigla na lang bumaba ang presyo nang di pa nakapag benta kaya ayun nahulog na naman sa missed opportunity.