Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
care2yak
on 23/02/2024, 02:24:07 UTC
Sabagay, kasi dapat sila din ang maginitiate kung talagang concern sila sa mga end-users nila, may laman pala yung account/wallet sana nagpadala sila ng notice para naasikaso ng may ari at para patuloy pa rin na gamitin ang serbisyo nila, medyo mas okay na sa kin na payagan na makuha yung pera tapos tsaka eh permanent ban kesa hindi mo na makuha yung pera tapos ganun din naman yung gagawin sa account mo.

Wala talaga tayong magagawa kung anoman yung magiging outcome ng issue ni kabayan, sa pagitan na ng asawa nya at ng coins.ph ang magiging sagot dito.

Question... naka lagay ba sa terms of use nila na dapat laging active ang account? Nakasaad din ba na kapag inactive ang account, ibig sabihin abandoned na yung wallet? Ang nature kasi ng mga crypto holders is HODL di ba? Pwede ba nilang isipin na kaya hindi gumagalaw yung account is talagang gusto lang ng user is maghold until such time na satisfied na siya sa exchange rate at doon lang sa time na yun nya pagagalawin yung funds nya? Nakalagay ba sa terms nila yung duration ng inactivity para ma-declare nilang dormant na yung account and abandoned na nga? Kasi kung wala yan sa terms nila, wala silang karapatan dun sa funds mo and nararapat lang nilang i-release yun dun sa owner ng account di ba...