Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Binance being banned in the Philippines in a few days
by
Bitcoinislife09
on 24/02/2024, 18:08:08 UTC
Sa totoo lamang ay noong simula ay hindi ako naniniwala na mababanned ang Binance dito sa Pilipinas pero dahil walang balita at sagot ang Binance ay mayroong posibilidada na mangyari ito.

Kung sakali na matuloy itong plano na ibanned ang Binance dito sa ating bansa ano sa tingin nyo ang pinakamagandang maging alternative, hindi ako pamilyar sa mga ibang mga exchanges dito sa Pilipinas dahil bukod sa aking Binance account ay hindi ako gumagamit ng ibang exchanges dahil maganda ang services ng Binance para saken hindi na kailangan pa ng ibang exchanger kung ako ang tatanungin kaya kung mangyayari ito sa ating bansa ay hindi ko alam kung anong exchanger ang pinakamagandang gamitin, ang madalas lamang na service na aking gamitin ay ang P2P kaya magandang marecommend ninyo sa akin ang mayroong magandang P2P service.

Ito ay listahan ng mga Cryptocurrency Platform na maaari nating gamitin sa pagbili,pagbenta etc. ng crypto dito sa Pilipinas. Maraming mga list ng crypto platform na maaari nating gamitin pero nilagay ko lamang ang aking list na sa tingin ko ay isa sa pinakaconvenient gamitin at trusted na pagdating sa pagtrade ng crypto sa Pilipinas. Maaari itong maging mabilis na basehan ng mga newbies kung naghahanap sila ng platform para makabili ng Bitcoin.

1.Binance
2.Coins.ph
3.PDAX
4.Coinbase
5.Abra
6.Crypto.com
7.Kucoin
7.Gcash
8.Maya
9.Etoro

Marami pang exchange or platforms na maaari nating maidagdag sa listahan, maaari din idagdag ang rating at experience sa thread na ito ieedit ko nalang ito para sa mga susunod na update. Bukas naman ito sa diskusyon.

relatedLinks:
Cryptocurrency exchanges in the Philippines
List of AltCoin and Bitcoin Cryptocurrency Exchanges

Ito ang isa sa aking mga topics na listahan ng mga exchanger o wallets na maaaring maging alternative.