•Kung may iba kang pinagkakaabalahan kaya mo naman pagsabayin?
Tindera ako ng food supplement. Kapag walang customer, gumagawa ako ng sabon, shampoo, conditioner, powder detergent, liquid detergent, lotion, scented candles, resin crafts, cement jars habang nakabukas ang binance at ang mt4

Di pa naman ako nahihirapan...
•Sapat ba para sayo at sa pamilya mo ang kitaan mo sa mga pinagkakaabalahan mo?
Depende sa pasok and ikot ng sales. Minsan marami, minsan matumal. Paang crypto trading, minsan bullish, minsan din bearish. Masaya pag bullish, lahat ng needs ay nabibili. Kapag bearish, tipid tipid din and nai-istress lalo na kapag anjan na si judith

•Future proof na ba ang iyong income at napundar mula sa iyong source of income? Or may balak kapa na magdiversify into the future proof assets?
Hindi natin alam ang panahon. Sa nangyayari sa mundo ngayon, lalo na sa mga balitang magkakaron ng financial crisis ang mundo, pwedeng mawala ang lahat. Ang mahalaga, meron tayong skills para kahit ano pa ang mangyari, may kaalaman tayo para mag create ng wealth.
•Sa tingin mo ba ay tama ang nagiging desisyon mo sa iyong napili na trabaho o investments or napipilitan ka lang for some reason?
Yup for me tama dahil kilala ko sarili ko, ayoko ng may amo kaya hindi ko pinangarap ang maging empleyado. Yun ang maganda sa sales, boss mo sarili mo. Kapag di ka nagsucceed, fault mo din dahil hawak mo ang oras mo and yung productivity mo, ikaw ang may control. Pag tinamad, tamad din pumasok yung income...