Post
Topic
Board Pilipinas
Topic OP
Crypto Vending Machine
by
Bitcoinislife09
on 25/02/2024, 17:05:32 UTC
Mga kabayan ishashare ko lamang itong post na nakita ko sa Bitpinas about sa Vending Machine na gumagamit ng Cryptocurrency sa mga transaksyon ng Machine na ito. Magandang sulyar ito sa ating hinaharap sa tingin ko posibleng isa ito sa mga posibleng maging popular na adaptasyon ng Bitcoin o Cryptocurrency dito sa ating bansang Pilipinas. Hindi ako pamilyar sa ginagamit nila na Paytaca ngunit mukang maganda ang pinakita na experience nito sa mga seemless na Cyptocurrency Transactions. Sa ngayon ay Bitcoin Cash ang kanilang ginamit at pinopromote sa kanilang Machine ngunit kung nagawa nila ito ay isa lang ang ibig sabihin nito ibig sabihin ay posible rin ito sa Bitcoin o kahit sa iba pang mga Altcoins sa market.








LINK
LINK

Sa aking palagay ay nagiging popular dito sa ating bansa ang mga E-wallets kung titignang mabuti hindi imposible ang mga mabilisang transaksyon lalo na kung gumagamit ka ng mga open source na wallet. Ngunit kung gagamit ka ng mga custodial na wallet tulad ng Paytaca ay posible ang mabilisang transaksyon pati na rin ang libreng fee o mababang fee. Naalala ko rin mga kabayan yung sumikat na Pouch wallet sa boracay kung saan makakabili ka sa mga stores sa Boracay gamit ang wallet na ito.