Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippines SEC will Ban Binance. Effectivity End of Feb. 2024
by
Japinat
on 28/02/2024, 03:45:52 UTC
Mga kabayan mayroon akong transaksyon na naipit sa ngayon dahil na rin sa taas ng fees siguro sa kadahilanan na rin ng pagtaas ng market value ng Bitcoin sa 56k$ ngayon hindi rin talaga ito inaasahan ng marami at balita ko marami ang naliquidate dahil sa pag short nila sa trading. Di pa rin nacoconfirmed ang aking transaksyon sa Binance ko siya sinend kaya nakakatakot dahil na rin baka hindi ko na maaccess ang aking Binance account sa takapusan ng month. Not sure dahil binoost ko na ang transaksyon dapat ay tinaasan ko na agad ang fees para maconfirmed na agad ang transaksyon pero inaangat ko lang ng kaunte ito at pagkatapos ay tumaas din ang fees. Medjo nagdadalawang isip ako ngayon kung hihintayin ko dahil hindi ko pa rin sigurado kung gagana ba ang mga VPN kung sakaling mabanned ang access naten sa Binace.

Ito ung mga mahirap na sitwasyon  kasi paano kung hindi na nga maoopen yung site ng binance, ano yung kasigudaduhan  na pag gumamit ka ng VPN eh hindi magkakaproblema yung account mo, sana meron makapag provide na kabayan din natin na nakagamit na ng VPN at walang naging problema para kahit papano may kumpyansang magbakasakaling gumamit pansamantala para lang mailabas ung maiipit na balance sa loob ng exchange. Ang hirap kasi nyan iilang araw na lang katapusan na ng buwan  hindi pa rin natin alam kung anong pwedeng mangyari kung seryoso ba ang SEC or baka malimutan nila hahaha..

Hintayin nalang natin ang March 1 kung block na ba talaga. Saka na natin isipan yang mga ganyang tricks. Basta before end of the month, dapat kunin muna natin lahat ang balance natin, kung sakaling ma block man, saka natin subukan ang VPN, pero make sure lang din na hindi malaking amount ilagay natin ,yung tipong "you can afford to lose", parang gambling na rin kasi ginagawa natin pag ganyan.