Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippines SEC will Ban Binance. Effectivity End of Feb. 2024
by
bhadz
on 29/02/2024, 06:22:13 UTC
Oo, masasanay din tayo na wala ang Binance pero sa mga ilang natitirang araw ay umaasa pa din ako na baka may mga pagbabago kasi sabi ng marami kung wala pa daw court order, hindi daw mababan basta basta ang website ng binance.
Mukhang now eh talagang maikli nalang ang araw na natitira para may magbago pa pero nawawalan nako ng pag asa , though handa naman na tayong lahat pero aminin nating hindi  din ganon kadaling tangapin ang mangyayari.
imagine for all my years sa crypto eh Binance na halos ang gamit ko(though syempre lahat naman tayo nag start sa coins.ph) so ang mawala ang Binance sa pag gamit natin eh talagang nakakalungkot.
Kahapon na ata yung naging deadline at parang wala pa ring maugong balita kung ano ang nangyari at mangyayari. Nalipat ko na din naman ang mga assets ko kaya no problema na sa akin kung anoman ang mangyari sa mga susunod na panahon tungkol sa love triangle ni SEC, Binance at nating mga users. Nakakalungkot lang nga kasi maganda siya gamitin at madaming naging successful sa platform nila na mga kapwa natin kababayan at maging tayo din naman na kumita sa pagte-trade sa kanila.

May update na kabayan sa BitPinas at mukhang hindi pa nila nafafinalize kung paano nila gagawin yung ban, so most likely hindi na matutuloy yung plano nila para bukas:

  • “The SEC is currently evaluating all possible ramifications of the blocking, including implications to Filipino customer funds. We are also working with other government agencies on the procedure of restraining unregistered entities’ operations in the Philippines.”
Ayun, ito pala ang update. Mabuti at may ganito na nangyayari at ineevaluate pa pala nila. Dahil alam nilang maraming mga pilipino ang nakikinabang kay Binance at pati na rin ang government indirectly. So, ito na yung susunod na update na dapat nating antayin.