So since wala naman silang sinabing official na ban na talaga ang Binance isa lang ibig sabihin nyan kundi extended ang palugit nila since pag-aaralan pa nila yung mga dapat nilang gawin sa mga unregistered cryptocurrency exchange na nag-ooperate within the Philippines. Sa tingin ko ay matutuwa dito yung mga ipit yung funds nila sa Binance since kinakabahan sila nung mga nakaraang araw dahil akala nila may isang salita ang SEC. 😅
Tinignan ko kung accessible pa ba yung binance at okay pa naman nabubuksan pa naman yung account at wala pa naman yung block sa site hindi ko lang alam kung anong update mamayang umaga sa atin, baka lang kasi may oras at dahil madaling araw pa eh hindi pa nagiimplement yung block or baka nga kinokosider pa ng SEC yung mga pwede pang magawa, kaya tama ka kabayan yung mga kabadong naipitan ng pera sa Binance lalo na ngayon na talagang humahataw si BTC malamang sa malamang eh tuwang tuwa un kasi pwede pa nilang mailabas yung pera nila habang nabubuksan pa s binance sa bansa natin, medyo crucial itong papasok na linggo kasi magkakaalaman na yan sana lang talaga meron pang extension or magawan na ng paraan ng binance para balik normal na ulit sa pag gamit sa exchange nila.
Sinubukan ko rin ngayon lang yung akin sa binance at tulad mo nakakapagaccess parin naman ako, tapos mamaya susubukan ko ulit mag-open kung ano magiging result nito, baka kasi pagtuntong ng 8am dito sa atin ay biglang hindi na mabuksan pa, pero hindi pa ako sure dito,
Pero sa aking palagay ay magkakaroon pa siguro ng delaying sa bagay na ito dahil wala naman din akong nalalaman na balita na by march 1 ay walang pwedeng makapag-access sa mga merong may account sa binance, wala pang ganyang balita sa atin dito sa pinas, diba?