- Parang naalog yung utak ng SEC officials natin ah, hehe.. Padalos-dalos kasi ng mga binibitawan na salita, pero sabi nga diba, maging handa at maingat nalang tayo at least kung magkabiglaan man ay nakapaghanda narin tayo. Ganun naman kasi talaga yung mga whale investors kayang-kaya nilang pumunta ng ibang bansa kaya lang siyempre ang makikinabang sa gagawin ng mga whale investors na ito ay ang ibang bansa hindi ang bansa natin, ganun lang yun.
Mukha nga kabayan. Madali lang kasi maglabas ng saloobin kung hindi naman nila naunawaan talaga ng lubusan ang gagawin nila. Kasi hindi lang naman hundred o libong mga pilipino ang maaapektuhan kundi millions din naman yan na mga pilipino. May nabasa nga din akong ganyang mindset ng isang kababayan natin, hayaan lang daw niya account niya sa Binance tapos kapag bull run punta nalang daw siya ng Hongkong at Singapore at doon nalang daw magwithdraw, puwede din naman. Nakapamasyal ka na, nakapag take ka pa ng profit.
Well, anyway, kung ganyan yung update nila ay siguro itong week na ito susubukan ko ulit na magopen sa binance, dahil kung talaga naman na nafinalize na nila ay magsasabi naman for sure ang SEC agency natin panigurado yun.
Parang nate-tempt na nga akong isend pabalik assets ko sa kanila lalo na sa earn dahil ang daming mga airdrops din nila sa earn feature nila.