Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippines SEC will Ban Binance. Effectivity End of Feb. 2024
by
0t3p0t
on 04/03/2024, 07:41:18 UTC

         -   Ilan naba ang mga bansa na nagban sa Bitcoin o cryptocurrency na kalaunan ay binawi din nila yung pagban nila sa mga ito? ibig sabihin, kung nagawa man ng bansa natin na iban ang binance ay pwedeng sa kalaunan ay bawiin din ng ating SEC agency ang decalration nila ng banning sa binance. Hindi yan permanente, depende yan sa officials ng SEC.

Pano kung sa hinaharap ay mapalitan yung sec opisyales natin na mas bukas sa bitcoin o cryptocurrency that means pwede nyan magawa na irevoke ang banning sa binance diba?
gets mo yung ibig kung sabihin?

Sa scenario natin, Binance lang ang may problema compared sa ibang bansa na general crypto use ang ban kaya mas natagalan sila nasolve yung problem. Sa tingin ko ay sinusulit lang ng Binance ang pagiging free pa nila since walang pang strict implementation ng ban.

Medyo mahal din siguro ang sinisingil sa kanila para sa license plus taxes na makukuha galing sa mga PH users. Ganito lagi strategy ng Binance kay a sa tingin ko ay papansinin lang nila ito once magfile na ng lawsuit ang PH SEC which I doubt na mangyayari agad dahil sobrang bagal kumilos ng mga government offices natin. Naging blessings pa tuloy sa ating mga Binance user yung pagiging makupad ng SEC. Kung BIR siguro maniningil last year pa ito nasulatan.  Cheesy

Sigurado ako na niluluto na ng mga taga SEC ang mga ihahain laban sa Binance. Alam nilang may paglabag, pero gugustuhin nilang i-maximize ang ipapataw na penalties para mas hayahay sila sa makukuha nila. Ang masaklap lang dito e hindi naman taumbayan ang makikinabang sa nasabing ban kundi sila sila rin lang. Mas maige nang maayos ito nang hindi na rin mangamba ang mga Binance users sa Pilipinas na mabablock ang kanilang accounts kung sakaling biglang mag take effect ang ban na sinasabi ng SEC.
Yeah tingin ko gagayahin nila yung ginawa ng US na pinagbayad ng $4.3B penalty ang Binance. Tiba-tiba nanaman kung magkatotoo man yan. Though di rin naman natin masisisi dahil unregistered din naman ang operation ng Binance dito sa atin so wala talaga tayong magagawa dahil sigurado one of these days sa ayaw at sa gusto natin ay malamang mawawalan na tayo ng access dyan sa exchange na yan at sa iba pang mga unregistred CEX na nag-ooperate dito sa ating bansa.