Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Crypto Vending Machine
by
bhadz
on 07/03/2024, 21:44:17 UTC
Ang ganda sana ng hangarin pero di ko lang magets bakit sa dami dami ng magagandang crypto, bitcoin cash pa naging option nito. May kontrata siguro ito sa bitcoin cash kaya yun ang naging major crypto na supported ng vending machine na yan. At alam naman nila na tayong mga pinoy masyado tayong matipid at conservative sa mga fees, kapag medyo tolerable pa ang fees ay okay lang. Pero kapag masyadong mataas, huwag sila umasa na madaming gagamit ng pitaka nila na pinasosyal. Parang walang kinaibahan sa mga ewallets na merong supported cryptocurrencies at baka yun nalang ang gamitin ng madami dahil mas may pangalan sa kanila. Ang maganda nilang gawin, huwag nilang gawing front ang Bitcoin cash pero kung ang pondo nila galing mismo sa kanila, wala tayong magagawa at sana maging successful sila bilang startup dahil mahirap yang minamarket nila.