Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paparating na ang bull run kumita kana ba?
by
angrybirdy
on 08/03/2024, 12:39:32 UTC
Ito ang isa sa pinaghihinayangan ko ngayong 2024, dahil hindi ako nakabili ng mga coins ngayon gawa ng may mga bagay ako na dapat unahin, may maganda at hindi magandang nangyari bago matapos ang Enero. Siguro babawi nalang ako sa susunod na taon at kung may pagkakataon pa na makabili ako ng coins at makapag simula ulit mag invest.

Wag ka masyadong magpangamba kabayan, kasi mahirap naman pilitin na bumili kung wala naman nakalaan na pera para dito, ang importante ay nagamit mo yung pera mo sa need ipriority at kung magkakaroon ka ng extra na pera, itapat mo lang sa pagbili kapag bumaba ng onti ang value ni bitcoin, sa ngayon kasi ay pataas ng pataas ang value at mukhang mahirap bumili kasi masyadong mahal. Hindi naman karera ang pag iinvest , anytime ay pwede mo itong gawin as long as may hawak ka ng pera at hindi nasasacrifice yung mga priorities mo sa buhay.