Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippines SEC will Ban Binance. Effectivity End of Feb. 2024
by
Fredomago
on 08/03/2024, 19:30:50 UTC
Looks like na delay ang ban ng binance dahil sa in-between na discussion ng binance at SEC PH. Hindi na mention kung kailan na naman ang next deadline ng SEC but it looks like na okay na mag transact sa Binance. Para kaseng ang daming na lugi sa atin dahil sa paggamit ng local exchanges na ang baba ng selling rate at ang taas ng buying rate at nag ka kanda litche-litche mga apps nila ng mag spike ang price ng bitcoin.

Source: SEC delays decision on Binance ban

     So ibig sabihin nyan ay tuloy ang ligaya sa paggamit natin ng binance pagdating sa mga transaction tulad ng p2p, futures trade, at iba pa like launchpad. Basta huwag lang maglagay ng malaking pondo sa binance, huwag pakakampante ika nga.

     Basta kung magkaroon ng profit sa trading, futures at launchpad sa binance ay ilabas na agad at huwag muna magstakes or farming sa binance para iwas sa hindi inaasahang mangyayari alam mo na ang ibig kung sabihin, kaya sa ngayon magandang balita yan sa ngayon.

Good news yan. At sana naman hayaan Binance na magprocess ng permit dito sa bansa. At sana natauhan ibang officials sa nangyaring breakdown ng mga local exchanges nung kasagsagan ng bitcoin rally. At sana meron na officials na makita ang mga advantages ng Binance like sa p2p at ang spreads na sobrang beneficial sa mga users unlike sa local exchanges na mga corporations at mayayaman lang ang makinabang.

Pero malabo yan na bigla na lang din magban. Most likely magbigay ng deadline ulit kung walang settlement na mangyari.

Nakaantabay pa rin ako pero dahil medyo nakalusot na sa first week ng buwan medyo dahan dahan na ulit akong nagpasok ng capital, subukan ko lang ulit mag leverage sayang din kasi yung galawan ng mga coins ngayon sa tamang timing makakatsamba ka din ng medyo maganda gandang profits, tsaka ko na lang ulit proproblemahin yung ban pag meron ng update,  pede pa rin magamit si Binance para sa pagtratrade lakasan lang talaga ng loob kung anoman ang mangyari, dito papasok yung invest what you can afford to lose pero hindi dahil sa position mo sa trade kundi dahil sa risk na magsara ung platform.