Para sa akin, kung tutuusin dapat naman talaga ay may tax ang mga online seller. Halos nag-boom din ang online selling during pandemic and hanggang ngayon ay mas lalo s'yang pumapatok sa mga tao. Ang daming sellers ang nag shift to online selling o 'di kaya ay nag-adapt by adding online platform para sa mga physical shop nila, which is malaking tulong since mas madaling nakapag promote at mas malawak ang market.
Aware naman tayo na may mga online shop or seller na malaki ang kinikita dito. Lalo na yung mga shops na malaki ang followers sa iba't-ibang platforms. Hindi rin naman kailangan mabahala ng mga online sellers kasi ang tax naman ay nakadepende sa annual income mo. Kung small time online seller ka lang at hindi umaabot sa income range na in-impose ng BIR, wala kang dapat problemahin sa tax. Hindi rin pwede gawing dahilan ng mga sellers na magbabayad ng tax na maliit lang ang kinikita nila dahil umaabot sila ng 500k annual income, kaya nga sila pinagbabayad. Nag shi-shift na kasi tayo at gamit na gamit na'tin ang technology. So if yung mga sellers nag evolve from physical to online selling, expect na susunod ang BIR. Kung saan may income, nakasunod ang BIR.
Kaya lang may mga ibang mga online sellers na matapos na makinabang ng malaki sa pag-oonline nila sila pa may ganang magalit gayong nakinabang naman na sila ng ilang taon. Saka wala din naman akong nakikitang mali kung magbayad ng tax dahil normal lang naman yan sa mga nagnenegosyo sa totoo lang.
Oo tama ka, hanggang ngayon madami parin ang nakikinabang sa kanilang pag-oonline, parang nakatulong pa nga ang pandemic para makakuha ng ibang alternative na mapagkakakitaan ang mga tao via online. So kung anuman ang iutos ng BIR ay sumunod nalang tayo at huwag ng umangal pa.