Looks like na delay ang ban ng binance dahil sa in-between na discussion ng binance at SEC PH.
Sa mga nababasa ko kabayan, parang wala namang discussions sa pagitan ng Binance at SEC
[internal discussions lang ang ginagawa ni SEC tungkol sa Binance]
Yes, sa pag kakaalam ko internal discussions lang yung mga nangyayari kasi hindi naman nag respond si Binance sa SEC tungkol sa pag babanta nilang e ban ito sa bansa. Nag hihintay pa nga ako kung anong hakbang ang gagawin ng NTC ngayon kasi parang handa na silang e block yung website at app ng binance. So, talagang ma dedelay lang talaga yung pag ban, pero hopeful parin na hindi mang yayari

, otherwise may mga mapipilitan talangang gumamit nalang ng VPN or lumipat sa ibang exchange na secure yung p2p system.
Walang akong alam na P2P platforms kung saan madaling mag-transact ng bitcoin kapalit ng Philippine peso. Kadalasan sa mga platform na ito ay hindi pa fully developed o hindi pa ganun kataas ang volume. Ang iba namang exchange na nag-ooperate sa Pilipinas e medyo sablay din gawa ng matataas na fees na iniimpose nila sa mga users per transaction. Sa tingin ko e makikipagsapalaran ako sa paggamit ng VPN unless magkaroon ng official statement si Binance na tuluyan na rin muna nilang isasara ang kanilang pintuan sa Philippine market.