Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paparating na ang bull run kumita kana ba?
by
inthelongrun
on 10/03/2024, 11:34:03 UTC
Ito ang isa sa pinaghihinayangan ko ngayong 2024, dahil hindi ako nakabili ng mga coins ngayon gawa ng may mga bagay ako na dapat unahin, may maganda at hindi magandang nangyari bago matapos ang Enero. Siguro babawi nalang ako sa susunod na taon at kung may pagkakataon pa na makabili ako ng coins at makapag simula ulit mag invest.

Bawi kana nga lang talaga sa susunod na taon dahil posibleng papasok na tayo sa bear market nun for sure, kaya lang sayang ang parin ang ilang buwan pa na lilipas sa taon na ito kabayan, kung makakasingit kapa rin naman ng pagkakataon na makapag-ipon ay gawin mo parin tutal para din naman sayo yang gagawin mo na dca sa mga cryptocurrency o bitcoin.

Kasi papasok palang naman tayo sa sa halving at sang-ayon din sa iba ay magsisimula talaga ang bull after ng halving, eh yung halving mangyayari 2 months from now, so ibig sabihin meron kapang 2 months para makapag ipon kabayan.

Tama ka kabayan. Di pa talaga huli ang lahat dahil papasok pa lang tayo sa halving. Baka nga babagsak ang market anytime this year before making another upward movements. Ako rin naman ay patuloy pa din ang pag invest pero focus na ako sa mga altcoins at pass na muna sa bitcoin dahil 70%+ na ito sa portfolio ko.

Sa kasunod na taon talaga ang mas inaasahan na malakihang pagtaas ng presyo sa mga coins kaya dapat start na tayo mag invest or DCA. Okay pa din DCA dahil mahirap e-predict ang ensaktong petsa ng pagbaba at gaano kababa ng presyo. Sana makamilyon tayong lahat dito para masaya.