Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Binance being banned in the Philippines in a few days
by
Fredomago
on 15/03/2024, 11:28:19 UTC
May chance pa na hindi mawala ang Binance kasi hindi naman nila na ban like ginawa with other exchanges. Malaki talaga ang mawawala sa Binance kaya willing siguro sila mag comply, at saka malaki rin mawawala ng government natin kung hindi maka pag comply ang Bianance, kaya parang nag bargain nalang siguro sila, tulungan.

Kung ma ban ang Binance, lahat ( government at Binance) mawawalan ng kita.. kaya think positive talaga tayo kabayan, at the same time be ready na rin if things won't go our way, lam mo na, wala namang sure anong mangyayari, speculation lang mga ito.

Pero sa sitwasyon ngayon na wala pang concrete na desisyon ay medyo ipit tayo dito kabayan dahil hindi naman pwede (at least sa akin) na mag-trade or mag-hold ng bitcoin sa Binance kasi baka bukas or sa makalawa ay i-ban na ng gobyerno natin yong Binance, hirap talaga kung ang isang bagay ay walang kasiguruhan.

Yun nga lang, gamble talaga yan every time na mag trade tayo sa Binance, kaya ingat nalang at wag maglagay ng malaking amount.  Kung kaya mo namang matalo ng 50k, pwde mo na yang puhunan sa day trading, at least kung magaling ka talaga, kikita ka naman.

walang kasigurohan, kaya dapat i manage ang risk, ang maganda lang is hindi na block si Binance... or kung ma block man tapos meron tayong pera pa sa loob, pwede nating gamitan ng VPN baka sakaling maka withdraw at hindi agad ma trigger ang alarm ni Binance, tapos, next pahinga muna, at least nakuha ang pera.

Yun na lang talaga ang magagawa mo kung sakaling abutin ka ng alat na napagsarhan ka ng access, pero syempre need mo pa rin mag ingat kung baga dahan dahan lang sa sundot ng trade, pag pinalad ka at kung talagang mahusay ka totoo din naman na kikita ka, isang bagay lang ang dapat meron ka, hehehe, dapat malakas loob mo at ready ka sa mga posibilidad na mangyari.

Ikaw pa rin naman ang magdadala nyan kung hanggang saan mo mahahandle yung risk na baka magsara or baka madale ka ng unpredictable an market movement.