Tama, gusto ng mga scammers ang ganitong pagkakataon para makasabay sila ng maayos. Kahit sa mga HYIP or shitcoins na i ha hype, lalabas yan ngayong bull run kaya ingat nalang. I'm sure marami na tayong matagal dito, kaya alam na nating i approach ang ganitong situations, pero mero ding mga newbie na madaling ma entice sa mga promise na ganyan.
Siguro as a member of this forum at bilang isang crypto enthusiast na rin, dapat tumulong rin tayo sa community natin lalo na sa mga relatives natin na na attract mag invest ng crypto kuno na too good to be true ang return.
About naman sa ransomware, ingat lang sa pagamit ng mga applications or download.. parang nakita ko rin ito sa movie na the beekeeper, target ng mga scammers mga taong wala masyadong alam sa computer security.
Yun ang dapat ang malasakitin natin yun mga taong wala pang masyadong alam sa crypto kasi gaya ng sinabi mo madali para sa mga scammers na makapangloko at makaattract ng mga taong wala pang alam at experience matutulungan natin sila sa pagbibigay ng mga tamang impormasyon patungkol sa industriya, lalo yung mga mahal natin sa buhay sana mabantayan at magabayan sila ng maayos, malaking tulong na yung pagbibigay ng tamang guide sa papasukin nilang investment.
Tama, naalala ko nga noon mga 2018 noong unang nabalita ang Bitcoin sa mainstream media. Sinabi ko noon na dadami ang scammer nito at gagmitin ang pangalang Bitcoin para mas mabilis makapanloko ang mga tao, ayun tama yung nasa isip ko, ilang buwan lang naglipana ang mga pyramiding scams at ginagamit ang pangalang Bitcoin para makapanloko ng mga tao, may classmate ako noon sa college na sinasabi nya sa akin na bitcoin daw ang napasukan nilang mag-anak at ipinagmamalaki pa nya sakin, ayun todas ang daang libo nilang pamilya, binalaan ko na siya noon kasi college ako nagsimula mag forum. Hindi siya nakinig sakin kesyo nakapag cash-out daw sila sabi ko e sa umpisa lang yan para makapag pasok pa kayo ng malaki tas bigla yan mawawala. Sa sunod na cash in nila nawala na yung tao tangay mga pera nila. Kaya sana tayong mga nakakaalam kung may mga malalapit na tao satin na nagbabanggit ng kesyo bitcoin ang pinasukan nila ng pera wag tayo mag hesitate na magbigay ng feedback, hindi naman para maging bad yung pagsasabi natin ng totoo, iwasto lang natin yung mga kamalian, kung makinig edi bwenasm kung hind edi malas.