Tanong lang kung meron ba na available crypto cards na pwede gamitin para makapag withdraw sa mga ATM natin na supported ang Visa at Master card? Maganda sana ito para hindi na natin need mag P2P lalo na kung minimal amount lang naman ang need natin ilabas sa crypto like 5K php.
Meron ako crypto.com card pero need pa kasi iconvert yung crypto sa SGD currency para makapag topup ng balance sa card pero di ko sure kung gagana sa ATM since naka foreign currency kasi.
Ang pagkakaalam ko pwede yan sa lahat mate na banko dahil international visa card yan saka ito ba yung image nya

kung hindi ako nagkakamali nakakuha ka nyan dahil nagstake ka ng CRO at least 6 sa cryto.com mismo, tama ba? Hindi ko pa nasubukan yan,
pero napanuod ko na yan before sa isang youtube channel mate eto yung link nya
https://www.youtube.com/watch?v=KV7cqlrk2nMAccording sa video na yan maganda nga siyang gamitin dahil hindi na nga magkakaproblema pa dahil hindi na kailangan pang dumaan sa p2p at
magiging mabilis pa ang transaction, subukan ko nga din na umorder nyan kasi mabilis lang din ang delivery wala pang 1 week according sa youtuber
na yan. Saka metal yung card kaya maganda nga siya talaga, tapos kahit sang bansa tayo pumunta pwede siyang magamit, ang galing.
Tama bro, Yang card na yan mismo ang meron ako kaso nga lng ay natatakot ako isalpak sa actual ATM machine dahil steel plate ang gamit sa ATM card tapos mas makapal ito compared sa mga plastic cards kaya duda talaga ako sa pagsalpak at baka bumara lang sa ATM machine.

Yeah, Nagstake ako ng CRO dati na worth 600$ pinasobrahan ko na dahil nagbabago ang price at matagal din ako naghintay bago dumating yung card. Ang purpose ko pala kaya ako nagavail dati ay dahil may free spotify premium na kasama as long na may naka stake ka na CRO sa wallet.
Sobrang ganda ng ATM cards pero nakaka sira ng wallet kapag leather tapos naipit sa pamts mo. Hehe
Talaga, may mga nabasa naman din kasi na pwede naman daw siya talaga, iniisip ko lang kabayan kung pano siya magkakaroon ng laman? sa pamamagitan din ba yan na kung magkano laman ng crypto mo sa crypto exchange, ganun ba yun? Though, hindi rin masasabi na maliit na halaga yung 400$ lang ang minimum dahil malaking amount din ito sa totoo lang.
Natawa naman ako nasisira sa pants mo dahil nga steel ito. Edi dapat pala nakalagay siya sa wallet natin na hindi natin dapat nilalagay sa ating mga bulsa sa pants natin. Saka kung nababahala ka kabayan, subukan mo mismo sa banko yung sa loob mismo ng banko, para malaman mo talaga, itanung mo sa mga staff nila dun mismo para at least kung hindi man lumabas o kainin sa ATM ay pwede nila itong mailabas agad.