Acceptance, maaaring hindi pa yon ang time na para sayo kaya na missed mo ang bullrun. Pakatandaan ninyo na hindi lahat ng bagay ay hindi nakukuha nang mabilisan. Kung gusto ninyong mabilis makuha e asahan niyo rin na mabilis itong mawawala.
May next year pa naman, sadayang ganiyan talaga ang buhay. Naranasan ko na rin yung ganyang pakiramdam e yung nasa isip ko na magboboom pero wala kang kapital, pero dahil sa paghihintay ko sa tulong na rin ng nasa itaas, triple pa ang binigay niya sakin. Kaya wag kang mangamba ngayon kung na missed mo ang bull, marami pang panahon at mahaba pa ang araw.
yes tama yan acceptance lang ang kailangan para makamove-on kaagad. Ika nga nila habang existing pa ito may pag-asa parin siyempre at lesson learn lang din at matuto na sa pagkakamali na nagawa natin na kung saan ay huwag ng ulitin pa dahil masakit sa pakiramdam na hindi tayo napapasama sa mga community na kumikita na sa crypto tapos tayo tagatanaw lang sa kanilang kasiyahan na nararamdaman.
Kaya dapat this time huwag na tayong pumayag na mangyari pa ulit yung ngyari sa atin nung last bull run 2020, para this bull run naman na ating kinakaharap ay kasama na nila tayo sa kasiyahan.
Nahuli ako noong 2021 kaya nagpromise ako sa sarili na hindi ko na talaga mamiss ang next cycle. Nagsakripisyo pa talaga ako, less hangouts at nagtipid para may pangtalpak sa monthly DCA. At ito na ngayon ang bullrun.
Ang napansin ko lang dahil maaga nabreak ang previous ATH ng bitcoin ay marami ang nagsabi na huli na raw sila. Sa tingin niyo huli na nga mga new investors? Para sa akin kasi 2025 ang pinaka anticipated sa cycle na ito. Kaya for me maaga pa din since nasa first quarter pa lang tayo ng taon. At napakarami pang mangyari lalo na sa mga altcoins.