Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Naranasan Nyo Na Ba Na Masisi Dahil Sa Cryptocurrency
by
inthelongrun
on 01/04/2024, 03:57:26 UTC
Risky ang crypto pero profitable. Ang masakit lang yung intensyon mo na ishare sa iba para maka pag take profit sila eh ikaw pa ang nasisi sa nangyari sa ininvest sila. Ang masakit kasi, naging dependent nalang sila sa kung ano sinasabi natin at hindi naman nag take ng time para may knowledge about crypto. Kaya nakaka dala din mag share about crypto eh kasi minsan pagnakaka rinig ng crypto gusto agad puro postive lang makuha without knowing how risky it is. 

Yun ang dapat maipaalala sa mga tinuturuan or pinagshashareran natin dapat talaga hindi sila naka rely lang  sa sasabihin natin kundi mag eeffort din silang magexplore at matuto, maganda turuan lang ng basic tapos hayaan silang mag trade or mag invest pag may alam na sila, un kasing iba siansabi kung ano ung bibilhin tapos pag wrong timing yung napasukan at nasunog yung investment, ang sisi eh dun sa nagsabi kasi nga hindi alam kung ano yung ginagawa basta lang bili at antay tapos kakabahan pag bumulusok pababa at magbebenta ng wala pakundangan sa kaba na malugi ng mas malaki.

Kaya mahirap magshare lalo sa mga taong closed minded dahil kung makombinse sila na mag invest ay baka hindi rin sila mag saliksik at umaasa lang na puro bullish ang merkado. Di ko rin maintindihan bakit meron mga magka interest pero ayaw naman mag extra effort like research, etc.

Ngayon ay nagshare ulit ako sa iilang close relatives at friends about crypto dahil maganda ang takbo nito. Pero paulit ulit kung sinabi sa kanila na dapat mag invest ng pera na kayang mawala although di naman talaga siya mawala unless ilagay mo sa leverage trading o di kaya mga shitcoins at meme coins.