Sa totoo lang nakakatakot mag isip na may swerte ka sa sugal kaya dapat mag laan ka ng mataas ng budget sa dami ng participation ko sa mga gambling discussion alam ko naman na swertehan lang dito minsan nagkakataon lang sunod sunod ang swerte pero hindi indikasyon na pwede mong gawing cash cow ang sugal, risky thinking yan.
Totoo ito as long time gambler. Usually breakeven ka lang or bumabawi ka lng ng past losses sa mga winning streak days mo.
Pinaka mahaba ko na yatang winning streak 1 week pero nagka loss din ako ng equivalent total profit ko after months ng winning streak ko. Kaya halos parang pina cash advance lang ako ng casino tapos binayadan ko ng pakonti konti sa mga following losses ko.
May mga araw talaga na hindi maiiwasan na sobrang alat sa gambling kahit anong gawin mo or laruin mo. Kaya dapat talaga maglaro lang ng pera na kaya mo ipatalo.