Kung halimbawa nga ay matuloy ang charter change (though mukhang naraming naniniwala dito sa thread n to na malabo ito mangyari) depende ito sa magiging suggestion ng mga taong nakaupo o mahahalal na pinuno natin. Pero kung patuloy pa rin ang korupsyon pwede nila magawan ng way upang mapagkakitaan ang crypto, ito ay aking opinyon lang po.
Sa tingin ko, kahit anong klaseng gobyerno meron ang bansa ay wala parin talaga itong pagbabago kung halos lahat ng mga nakaupo ay kurakot. Parehas lang ito sa pagpasok ng crypto sa bansa. Maraming paraan naman pwede pagkakaperahan. Tulad ng mga nangyayari ngayon, tinanggal nila, banned at hindi binibigyan ng chance magkaroon ng license ang mga top global exchanges. Malamang meron mga under the table na nangyari. Ang masakit pa doon ay sobrang taas ng spreads at taas ng fees mga binigyan ng license. Halos monopolization na rin ginagawa nila dahil hindi binigyan ibang exchnages for competition sana.