Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Crypto cards na pwede gamitin sa local ATM natin?
by
bettercrypto
on 13/04/2024, 09:45:09 UTC
~
It's worth noting na hindi totally safe ang mga crypto hackers [mas complicated lang ang process at usually, nagtutulungan ang mga ibat-ibang platforms sa mga ganitong incidents].
Pero di ba dapat nahuli na nila yung mga hackers kung kaya naman talaga nila di ba? Dapat may balita yun na nahuli na nila pero ang pagkakaalam ko ay wala naman silang nahuli. Alam ko naman na may paraan para mahuli sila pero bakit ganun di ba? Kaya hangga't maaari ay hindi ko talaga pinagkakatiwala sa mga ganyan na services yung crypto ko, iba talaga kapag hawak mo yung security ng sarili mong mga cryptocurrenccy, mas mababa tsansa na manakawan kapag ganun.

Yang crypto card na yan ay hindi naman yan mandatory sa ating mga crypto enthusiast, depende parin yan kung maniniwala ang sinuman, ngayon kung para sayo hindi ka komportable sa ganyang concept ng services ng crypto card ay wala naman ding problema.

Though may point ka rin naman na mas iba parin talaga na tayo mismo may hawak ng ating mga crypto assets, gayun pa man ay wala naman din sigurong masama kung subukan ng iba yung ganyang bagay, diba? Though meron paring risk dahil medyo mataas yung amount na kailangan para makapag avail ka nyan para stakes mo yung pera mo sa platform nila.