In the next 5 days halving na ni Bitcoin, meaning mababawasan na ang supply sa market.
Anong paghahanda ang ginawa mo para dito? At ano sa tingin mo ang kalalabasan ng Halving?
Personally, wala ako nagawa during this halving and hinde ako nakapaghold. Due to financial problem ang nagawa ko lang is sundan ang market trend without investing, and sinabe ko nalang sa sarili ko na babawi nalang ako next halving and alam ko na sa susunod na bear market hinde dapat ako matakot maginvest kase patuloy paren aangat ang Bitcoin.
- Huwag mo ng hintayin yung next halving mate, simulan muna ngayon, dahil after ng halving dun palang magsisimula ang tunay na bull run. At after ng halving mga ilang buwan pa bago magkaroon ng tunay na rally sa Bitcoin at sa mga altcoins mate. So ibig sabihin mula ngayon sabihin nalang natin na meron kapang 3-5 months na preparation para makapag dca ka ng mga altcoins.
Kasi kung hihintayin mo pa yung next halving ay medyo matagal pa yun, at hindi pa naman talaga huli ang lahat anu kaba. Sabi nga diba, kapag gusto may paraan at pag-ayaw madaming dahilan. Kung yung ngang iba kahit pataas na ang price ng bitcoin ay nagsisibilihan parin nito, ngayon pa kaya na wala pa naman talaga sa take off na sinasabi, gets mo?