Talo ang Warriors, hindi naka porma sa first quarter pa lang, bokya si Klay Thompson.
Sabi ko na nga ba si Keegan ang malaking difference sa laro na to, pag pumutok ang shooting talagang hindi maawat.
Lakers wagi rin sa Pelicans, ang masama humahabol sila ng biglang na injury si Zion. Si Ingram at si CJ naman wala masyadong nagawa na. So Denver vs Lakers na diba? Samantalang maglalaban pa ang Pels as Kings do or die?
Kinawawa GSW kanina. Nabalikatad pa at ang Kings pa nagkaroon ng major run sa 3rd quarter. Parang ang Kings pa ang meron deep experience dahil sa ganda ng kanilang executions at maingat rin sila. Olats Klay wala man lang pumasok kahit sa dos habang si Keegan halos di mapigilan sa tres.
Medyo weird yung pagka-injury ni Zion. Ang problema inalat sa larong yun sina Ingram at CJ. Sayang dahil kaya nilang ipanalo yun. Daming calls na pabor sa Lakers. Anyways, rematch na Lakers at Denver. Denver in 5?

Kung wala Zion laban sa Kings tutunawin lang sila. Meron raw sore si Zion at mukhang pwede pa yun makabalik sa kasunod na laro.
Pang game6 lang tong si Klay bai, di maaasahan pag ang laro ay do or die hehe.
Tong Lakers ay baka ma-sweep pa ng Nuggets to, hirap si Davis na kunin si Jocik sa ilalim eh.
Sana makabalik si Zion para naman may thrill yong do or die game nila pero kahit bumalik man si Zion ay sa Kings pa rin ako pupusta.