Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Nag impose na ng 1% tax ang BIR sa online merchant. Next na ba ang crypto?
by
angrybirdy
on 01/05/2024, 08:01:05 UTC

ako din naman wiling din naman ako magbayad ng tax basta yung makatarungan lang naman din, kasi kung yung ngang mga negosyante ay umaaray ay tayo pa kayang mga hindi nila katulad, diba? At kung sakali man na magkaroon sa cryptocurrency ay sa tingin ko posible din talaga na mangyari yan in the future.

Kaya kung 1% lang ay medyo ayos pa yan sa atin pero kung yung spread nya ay mahigit pa dyan ay naku po, tulad ng sinabi mo kung may iba pang alternative na pwedeng magamit ay dun nalang tayo basta hanap lang at maging matiyaga lang.

Expect the worst sa tax pagdating sa cryptocurrency since highly discouraged ito ng banko sentral kaya sureball na tataasan nila ang tax para limitahan ang paggamit nito. Ginagawa na ito sa ibang bansa kagaya ng India na dayi ay lumagpas pa sa 50% hanggang magtotal ban na sila.

Swerte pa dn tayo dahil makupad ang gobyerno natin pagdating sa implementation ng mga batas. Focus kasi sila sa mga tangible assets na mas madaling lagyan ng tax compared sa crypto pero kung magkakatax ito ay sa tingin ko ay minimum 20% and above since ito yung taxes na ginagamit sa sin tax which maaaring gamiting basis ng BIR sa tax natin.

           -  Grabe naman kasi 50% sobrang laki naman talaga, `Parang pinarusahan yung mga crypto enthusiast sa India hindi makatarungan sa totoo lang. Dito naman sa bansa natin kung mangyari man yan ay sana lang hindi naman maging mabigat na pasanin sa atin bilang mga crypto fanatic.

Inaasahan ko narin naman yan, sana lang magtagal pa bago ito talaga maimplement, basta tulad ng sinabi ng ilan ay dapat maging makatao ang gawin ng BIR sa atin tungkol sa mga crypto community actually.

Sa India kasi 30% ang kanilang starting tax sa crypto at lumalaki siya depende kung gaano rin kalaki ang transaction mo. Although di ko alam if ang tax na yan ay purely for profit. So halimbawa lugi ka ay wala kang tax na babayaran. Medyo confusing nga lang kasi what if nagtetrade ka actively at meron losses at gains pero sa overall performance is lugi ka talaga? Masakit yan pag bawat profitable trades may tax dahil need rin naman makabawi sa talo ng mga previous trades. Kaya mas safer pa rin talaga na gayahin na lang sa stocks na bawat buy and sell ay merong tax na kaagad. Pero dapat maliit lang para naman kaakit akit na magtrade or mag invest mga tao. Mas malaki naman makuha sa BIR pag ganung istilo dahil tumataas ang volume.

     Hindi kaya ganyan din gawin ng bansa natin in the future? siguro kung gawin man ng bansa natin ay huwag naman na ganyan na sobrang hindi makatao at parang pinapatay nila tayo pag ganyan ang inimplement nila sa ating mga crypto fanatic.

     Dahil tama naman din yung binabanggit mo na kahit maliit lang kung malaki naman yung volume nya ay malaki parin ang mapupunta sa BIR sa totoo lang.
Sana mapag-isipan ito ng maayos at tama na ang magiging result ay mas susuportahan ng mga crypto community.

Hindi tayo sigurado pero sana ay wag mangyari ang ganyan dahil sobrang laki ng ganyang tax, imagine? paano naman yung mga kakasimula palang sa crypto at usually hindi naman agad nag gi-gain profit ang mga users/investors dito? kung ganyan ang gagawin, baka mas maghirap lang ang mga kabayan natin, sabagay tignan niyo nga yung nangyayari sa india, marami padin ang populasyon ng mga taong naghihirap sa kanila dahil sa ganyan kalaking tax na ipinapataw sa kanila. Sa tingin ko lang ay kung sa atin yan ipapatupad, marami ang magrereklamo at hindi papabor sa 30% tax implementation.